Hello, my lonely follower. Hehe. Not much to say for now but I love your blog. Mixture of comedy and realistic views of everything else, but more on comedy. Nice blog, keep posting. =)
Eto ang kaunaunahang blog/post ko. Sana may makabasa, hehe. Una sa lahat ginawa ko to para lang may magawa habang naghahanap ng bagong trabaho. Nakakatamad din kasing mag-apply paulit ulit tapos uuwing frustraded kase hindi ka natanggap sabay manonood na naman ng DVD ng kung ano anong pelikula at mga American TV series, tama, American TV series.Wala naman kasing matinong palabas sa ngayon na Pinoy ang bida maliban na lang sa iilang mga pelikulang medyo may kabuluhan.
Ewan ko ba kung bakit wala man lang makaisip na gumawa ng maayos ng TV series sa Pilipinas e madami namang magagaling na aktor at aktres. Nakakairita na lang ang mga paulit ulit na superhero, fantasy at walang katapusang iyakang mga tema ng mga palabas sa TV. Parang di ba naiisip ng mga tumatangkilik sa mga palabas na ito na nakakabobo ang mga naturang palabas. Hindi naman sa kung ano pa man pero… Ewan ko, nakakaasar lang, para bang pag nanunuod ka ay hindi ka man lang mapapaisip, tipong go with the flow na lang, wala man lang nakakachallenge mentally sa mga palabas na to. Walang twists, walang maayos na plot, parang hindi planado ang mga bawat pangyayari. NAKAKABOBO. At ang haba na pala ng nasulat ko, hindi naman mga palabas sa TV ang tema ng blog na to. Gusto ko lang sana isulat ang nararamdaman ko sa mga bagay bagay na nangyayari sa mahal kong Pilipinas. At dahil nabanggit ko na rin lang ang telebisyon ay itutuloy tuloy ko na. Ang ating bansa sa ngayon ay katulad din lang ng mga palabas sa TV, parang hindi planado ang mga bagay bagay. Bahala na lang kung anong mangyayari, para ngang sa mga palabas, pag nagustuhan ng mga tao ay pahahabain nila ang isang bahagi ng kwento. At kung di naman nagustuhan ng tao e babaguhin nila kaagad at hahanap na naman ng bagong direksyon ang mga manunulat. Parang bansa rin lang natin, pag may di magandang nangyari saka lang nila gagawan ng paraan. Walang direksyon at kongkretong plano. Hay nako. Ang daming opisyales sa ating bansa, mula kay President Aquino hanggang sa mga mayors hanggang sa mga baranggay officials. Pero bakit parang lahat sila walang idea sa kung anong magandang gawin. Bakit nga ba? Dahil ba walang budget? Pwede. Dahil ba madaming isla at watak watak ang mga lugar sa Pilipinas? Pwede. Dahil ba parang palabas lang sa TV ang lahat at gagawa na lang ng paraan pag nagkaproblema na? Marahil ito ang talagang dahilan. Walang direksyon ang ating bansa sa ngayon dahil gagawa lang tayo ng paraan pag may problema na. Hindi natin alam kung anong gagawin. Bahala na lang. Ano nga ba ang rason? Dahil ba sa maraming gahaman na opisyales ang ating bansa at mas binibigyan nila ng oras ang pagiwas sa pagkakahuling mga magnanakaw sila? Pwede rin naman. Pero pano naman natin malalamang madaming magnanakaw sa gobyerno natin? May pruweba ba tayo? OO, OO. Manuod na lang kayo ng balita, maglakad lakad sa kalsada, tignan nyo ang mga kapit-bahay nyong naghihirap, tignan nyo ang mga pulubi sa kalsada. Kung walang magnanakaw sa gobyerno e malamang kaunti lang ang makikita nating naghihirap na Pilipino. Sana po ay mapatawad nyo ako at malabo ang pagkakasulat ko, di kasi ako writer e. Isa lang ako sa milyon milyong Pilipino na nagtatanong kung bakit nga ba parang sa TV lang ang bansa natin, walang direksyon, walang plano. At tayong mga Pilipino ay ang mga manunuod, walang magawa. Hay.
